Linggo, Enero 1, 2012

Para kay ONE TRUE LOVE


Nung ipinagtapat ko kay one great love na siya ang aking one great love, busted ako. Nagalit ako at tinanong siya: dahil ba sa hitsura kong ito? Di naman daw.Siguro dahil maikli pa lang ang aming kasaysayan at ang haliparot na wala pa ngang isang linggo ang aming pagsasamahan pero di hamak na mas matalino ako't mas nakakalam ng sikot niya. Bitter. Bullfrog na haliparot. Hindi niya ako pinili, at iniwan niya sa akin ang makapagbagbag damdaming "marami po naman tayong makikilalang tao sa mundong
ito.

Yamot ang sumakop sa aking kaisipan noong panahong yun dahil sa sinabi niyang tinanggap ko bilang pampalubag loob. Tama, hindi madalas, ang totoo'y napakadalang ko talagang lumuwas ng Maynila. Miminsan lang din ako nagkakaroon ng lakas ng loob na makipagkilala ng kusa. Sa umpisa'y excited talaga ako na makipag-textmate sa kanya (one great love) pero wala akong load nun kaya nauubos din ang excitement na yun. Hihintaying magkaload para maitext siya. Pero sa kabila ng lahat, walang karapatan si one great love nai-imply na wala akong alam sa kingdom classification sa sarili kong kingdom dahil wala akong exposure na hinahanap niya. Nireject niya nga ako eh, binaboy pa niya ang
aking pagkatao. Charot lang.

Nakilala ko siya dahil sa isanbg kaibigan (itago natin sa pangalang Ester). kaibigan ng GF niya si one great love Palagi silang magkakasama parang walis laging nakabigkis.Dahil nga sa mahiyain ako hiningi ko na lang kay Ester ang no.niya. Nagkatext kami halos magkahawig ang pangalan naming dalawa isangt letra lamang ang nasalit.Naging panatag kaagad ang kalooban ko sa kanya at umaasang siya na ang magiging First ever GF ko. Assuming. Di pala, maling akala yun. Echos lang pala.

Ganunpaman, nais kong sabihin sa kanya na kahit hindi niya ako sinagot may pagtingin pa rin ako sa kanya.Hindi ako nagsisising nakilala ko ang babaeng tulad niya.Tsaka marami pa kaming makikilala.Yung nakatadhana pa sa amin. Tsaka aral muna.Siguro nga hindi ko pa oras ngayon na magkajowa,hindi pa din niya oras.Okay lang.Handa naman akong maghintay one true love ko at 'di kailanman yun magbabago.Pakatandaan mo yun.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento