Linggo, Enero 1, 2012

Dalawang Mukha ng Mapaglarong Mundo


Kapag narinig mo ang kantang "Magkabilaan" ni Joey Ayala,sa una'y mahihirapan kang ilagay sa iisang kategorya ang uri ng musika.Ang pinakamalapit na marahil na deskripsyon ay kontemporaryo o pop na may halong tunog ng mga etnikong instrumentong musikal.Tunay ngang Pinoy na Pinoy ang kanyang awitin.
Batay sa kantang aking napakinggan na "Magkabilaan",ang katotohanan ay may dalawang mukha at ito ay magkabilaan.Sa ating lupang kinatitirikan,walang nilalang ang Maykapal ang nabubuhay ng walang kasalungat.Mapaoposisyon o kaya'y elementong likas sa ating lipunan(magkaiba ang hitsura).Likas itong may kaakibat na kakontrapelo o dili kaya'y kakompetisyon.Hindi mo mapapansin ang isa hangga't wala ang isa.Halimbawa nito,hindo mo masasabing tama ang iyong ginawa hanggang sa hindi mo pa natutuklasan ang salitang mali.Ganun din,hindi mo malalamang ika'y mahirap hanggang sa hindi ka pa nakakakita ng mga taong kulang na lamang ay ang maligo sa ginto't pera(mararangyang pamilya).Ang mayayaman lalong tumataba ang bulsa samantalang ang mga dukha ay patuloy na nakikibaka sa hamon ng buhay.Dahil aminin man natin o hindi,patuloy na lumolobo ang populasyon ng mga mahihirap sa panahon ngayon.Sa madaling salita ang buhay ay hindi patas.May pumapailalim, may pumapaibabaw.
Nais iparating ng kanta sa publiko na dapat imulat na ng bawat mamamayan ang kani-kanilang mata sa bawat nangyayari sa ating mapaglarong lipunan.Maging mapagmatyag,mapangahas,matanglawin,
eka nga sa isang palabas sa telebisyon.Tinutiligsa din ng kantang ito ang baluktot na katwiran ng pamahalaan.Ang isinisigaw ng mamamayan ay palitan sistema ng pamahalaan na di hamak na kasing
tanda na ni Tata Rizal.Ito ba ang kanilang pinagmamalaking nilang "tungo sa tuwid na daan"?Kung ganu'n magkabilaan nga ang mundo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento