"Tiktilaok! Tiktilaok!" Hindi na nabago sa buhay nina Fate at Cynthia na gumising ng maaga sa tuwing titilaok ang mga manok. Ito ang nagsisilbi nilang alarm clock. Si Fate isang batang babae na musmusin na laging nagtutungo sa bahay-dalanginan ng Quiapo. Ulila na siya. Tanging sa limos na lamang siya umaasa at kung minsan pa nga, kinukuha ang limos na kanyang naipon ng mga sindikato. Si Cynthia naman, ang best friend ni Fate, isa ding batang babae na tila palaging positibo sa buhay kahit na hirap at pasakit ang natatamasa sa pagmamalupit ng kanyang magulang. Palagi siyang sinasaktan kaya nakukuha niyang tumungo na lamang sa dalanginan ng Quiapo. At dito namamalimos na lamang siya, umaasang may maiuuwing konting barya.
Samantalang, Si Aldrich, batang mayaman at laki sa layaw pero pero di gaanong nabibigyan ng pansin ng magulang. Nag-aaral siya sa isang eksklusibong paaralan. Bago siya umuwi dumadaan muna siya sa Quiapo church dahil utos yun sa kanya ng kanyang lola.
Isang araw, nagtungo si Aldrich sa simbahan. Sa bungad pa lamang nito. Sinalubong siya kaagad nina Fate at Cynthia.
" Palimos po, Palimos po, kahit barya lang po." wika ng dalawa. Hindi sila pinansin ni Aldrich. Hinawi pa nga ang dalawang bata at tumumba ang dalawa, Umiyak ang mga bata. Pujmasok sa loob si Aldrich.
Makalipas ang ilang sandali, lumabas na siya ng simbahan at nakita ang dalawang bata na walang awang sinasaktan ng mga lalaking kahina-hinala, Hindi na siya nagdalawang isip pa. Nagtungo siya sa outpost ng mga barangay tanod at ikinwento ang nangyayari. Mabilis na rumesponde ang mga tanod at hinuli ang mga lalaki at ayon pa nga sa mga tanod matagal na nila itong minamanmanan.
Puro sugat at luray-luray ang damit, ang natamo nina Fate at Cynthia. Ganun pa man, pinagamot niya ito. Nagkwentuhan sila. Lubos ang pasasalamat ng dalawa kay Aldrich.Dito nalaman ni Aldrich ang buhay ng dalawa at napaisip siya "Maswerte pa pala ako." Naging malapit pa sa Diyos si Aldrich, ang batang noon ay walang pakialam sa Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento